Isang mabigat na pasabog ang inilabas ng negosyanteng si Christophe Bariou matapos niyang ibahagi ang naranasang "election bribery" mula sa ilang mga indibidwal na nagsasabing kumakatawan sa isang politiko sa Siargao, kapalit ng kanilang pananahimik hinggil sa kontrobersyal na Union-Malinao Bridge Project.
Bahagi ito ng pagsisiwalat ni Christophe sa mga naranasang katiwalian at political greed sa isla ng Siargao, na ilang dekada na raw namamayani.
Sa pagkakataong ito ay nagsalita na si Christophe sa pamamagitan ng social media posts.
Ayon kay Bariou, lumapit sa kanila ni Nadine ang mga nasabing indibidwal bago ang halalan.
"Before the elections, individuals claiming to represent certain politicians approached Nadine and me, offering to 'resolve' the bridge issue if we provided ₱50 million in cash," aniya.
Nang tumanggi umano sila, sinabihan pa sila na maaari nilang pag-usapan muli ang tungkol sa tulay sakaling sumuporta sila sa kandidatura ng naturang politiko.
"When that obviously failed, they proposed, 'Join us and support us during these local elections and... maybe we can sit down and talk about the bridge."
Ngunit ayon kay Bariou, tahasang tinanggihan ito ni Nadine sa pagsasabing, “We don’t make deals with corruption… ever.”
“It is now clearer how public money can be turned into a weapon during elections,” nasabi na lamang ni Christophe.
Photo courtesy: Christophe Bariou/FB
Hindi naman pinangalanan o tinukoy ni Bariou kung sino ang politi
Dagdag pa ni Bariou, matapos nilang tanggihan ang alok, bigla umanong nagsimula ang serye ng mga “random inspections” sa kanyang mga negosyo sa isla. Ipinagpaliban din umano ang kanilang business permit, at sinigawan pa raw ang ilan sa kanyang mga empleyado nang irekord nila ang mga ginawang aksyon laban sa kanila.
Dahil dito, naghain si Bariou ng reklamo sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) upang ipaglaban ang kanilang karapatang makapag-operate, na kalauna’y pumabor sa kanila.
Ang kontrobersyal na Union-Malinao Bridge Project, na tinututulan nila ni Nadine dahil sa umano’y ecological damage at epekto nito sa mga mangingisda, ay isa lamang sa mga isyung binanggit ni Bariou sa kaniyang panawagan para sa hustisya sa Siargao.
KAUGNAY NA BALITA: Christophe Bariou, isiniwalat umano'y korapsyon at political greed sa Siargao
Sa parehong post, hinimok din niya si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga umano’y anomalya, vote-buying, at katiwalian na patuloy umanong sumisira sa imahe at kalikasan ng isla.
KAUGNAY NA BALITA: Christophe Bariou, umapela kay DPWH Sec. Dizon sa isyu ng korapsyon sa Siargao
Sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang lokal na pamahalaan ng Siargao, DENR, o DPWH kaugnay ng mga alegasyong ibinulgar ng negosyante.