December 14, 2025

Home BALITA Metro

MPIO, nag-sorry sa National Shrine of Our Lady of the Abandoned

MPIO, nag-sorry sa National Shrine of Our Lady of the Abandoned
Photo Courtesy: MPIO, National Shrine of Our Lady of the Abandoned (FB)

Nagpaabot ng paumanhin ang Manila Public Information Office (MPIO) sa pamunuan at mga parishioner ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Santa Ana, Manila matapos ang naidulot umano nilang kalituhan sa publiko.

Sa isang Facebook post ng MPIO nitong Sabado, Oktubre 11, inamin nilang pagkakamali umano ang pagbanggit ni Manila City Mayor Isko Moreno tungkol sa “Pagsasaayos ng Sta. Ana National Shrine” kaugnay sa First 100 Days Recap sa ilalim ng administrasyon ng alkalde.

“Hindi kailanman binanggit o inangkin ni Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso na pinondohan ng Pamahalaang Lungsod ang retrofitting ng Shrine, at wala rin ito sa anumang opisyal na press release,” saad ng MPIO.

Dagdag pa nila, “Ang kanyang pahayag sa First 100 Days Report ay tumutukoy lamang sa planong redevelopment ng Plaza Calderon, kung saan matatagpuan ang Shrine, at hindi sa anumang proyekto sa loob ng simbahan.”

Metro

Unang araw ng ‘12 Days of Christmas: Libreng Sakay,’ simula na!

Matatandaang nauna nang naglabas ng pahayag ang nabanggit na simbahan para ipabatid sa publiko na hindi umano pondo ng pamahalaang lungsod ang ginamit sa pagsasaayos nito.

Gayunman, tinanggap na ng pamunuan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned ang paghingi ng tawad ng MPIO. 

Anila, “We welcome the apology and clarification issued by the Manila Public Information Office.”

“To move forward, we urge the Manila Public Information Office to exercise greater care in its future communications. The office is accountable to the people of Manila and represents the Mayor, making accuracy paramount,” dugtong pa ng simbahan.