December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jak Roberto bukas pa rin maging kaibigan si Barbie Forteza

Jak Roberto bukas pa rin maging kaibigan si Barbie Forteza
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Jak Roberto (FB)

Inihayag ni Kapuso hunk actor Jak Roberto ang interes niyang maging kaibigan ang ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Oktubre 10, nausisa si Jak kung magkaibigan ba sila ngayon ng kaniyang dating nobya.

Aniya, “Ako puwede ako, Tito Boy. Puwede kaming maging magkaibigan ulit. In fact, lahat naman yata ng ex ko naging kaibigan ko rin.” 

“So, parang wala namang problema sa akin ‘yon. And hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob. Kumbaga, ‘wag na nating pang isipin ‘yon,” dugtong pa ni Jak.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Ayon sa Kapuso hunk actor, nakapag-usap na raw sila nang isang beses ni Barbie matapos ang kanilang hiwalayan noong Enero.

““Noong 75th [anniversary celebration ng GMA] nakita ko siya sa likuran ko. And after no’ng wala na siyang kausap, nagbabasa siya ng script that time, sabi ko magha-hi lang ako,” saad ni Jak.

Dagdag pa niya, “Cinrongatulate niya ako sa show, cinrongratulate ko rin siya do’n sa movie niya and sa mga show niya rin. So, parang for me, gumaan ‘yong pakiramdam ko. [...] Naging closure siya for me.”

Matatandaang bago tuluyang nagwakas ang relasyon ng dalawa noong Enero ay nagsama sila sa loob ng pitong taon.

MAKI-BALITA: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!