December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Carmina, Zoren 'di nangingialam sa lovelife ng kambal

Carmina, Zoren 'di nangingialam sa lovelife ng kambal
Photo Courtesy: via GMA Network (IG)

Binasag ng celebrity twin na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi ang madalas na misconception ng publiko sa mga magulang nilang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, pinabulaanan nina Mavy at Cassy ang pangingialam ng mga magulang nila sa kanilang lovelife.

“They don’t,” sabi ni Cassy. “Unless we ask for advice, or anything like that. They share a bit but at the end of the day, they always say, ‘It’s up to you. It’s your life. It’s your decisions.’”

“Pero if you need advice, need guidance, we are just here,” dugtong pa ng dalaga.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ayon naman kay Mavy, “They’re relaxed. I think that’s the really biggest misconception, istrikto sila sa pag-ibig. They just let us love. I mean, for example, with Ashley and I now, nagulat na lang sila. It’s always been like that.”

Matatandaang nagsimulang mabuo ang espekulasyon na tila pinaghihigpitan ni Carmina ang kambal sa buhay pag-ibig nang umugong ang hiwalayan nina Mavy at Kyline Alcantara noong Nobyembre 2023.

Maki-Balita: Kyline Alcantara, in-unfollow ang pamilya Legaspi

Pinag-usapan din ang cryptic Instagram post ni Carmina noon Abril 2024, na bagama't wala namang binanggit na pangalang mga kasangkot o kung ano ang konteksto nito, ay minamalisya ng mga netizen at pinaghihinalaang pasaring umano kay singer-actor-TV host Darren Espanto.

Ito ay nagkataon matapos aminin ni Darren sa "It's Showtime" at sa isang panayam ng ABS-CBN News na single siya at mag-bestfriend talaga sila ni Cassy.

MAKI-BALITA: Resbak para kay Cassy? Cryptic post ni Carmina, pasaring daw kay Darren