December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

CARAGA RDRRMC nananatili sa ‘Blue Alert Status,’ assessment sa mga istraktura, nagpapatuloy

CARAGA RDRRMC nananatili sa ‘Blue Alert Status,’ assessment sa mga istraktura, nagpapatuloy
Photo courtesy: Butuan City PIO, Philippine Information Agency Caraga (FB)

Nananatiling nakataas ang “Blue Alert Status” ng CARAGA Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) matapos ang magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental kamakailan. 

Noong Sabado, Oktubre 11, nagpapatuloy ang isinasagawang assessment sa mga kritikal na estruktura at imprastraktura sa rehiyon. 

Ayon sa situational report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Caraga, pansamantalang isinara ang Tago-Gamut Bridge sa Surigao del Sur, habang nagtamo rin ng pinsala ang Sabang Bridge 3. 

Ang Magsaysay Bridge naman sa Butuan City ay muling binuksan para sa mga light vehicle, matapos itong pansamantalang isara noong Biyernes, Oktubre 10, dahil sa rapid assessment na isinagawa ng ahensya sa mga bitak sa asphalt pavement ng tulay.

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Ipinaliwanag ni DPWH Butuan District Engr. Jose Ceasar Radazar na normal ang mga nakitang bitak at disenyo raw ito para i-absorb ang mga paggalaw, kung kaya’t tiniyak niya na hindi ito makaaapekto sa pangkalahatang kaligtasan ng tulay. 

Sa kabilang banda, nakaantabay ang mga Local Emergency Operations Center sa limang lalawigan sa Caraga para bigyang-tugon ang mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng lindol at sapilitang pinalikas dahil sa tsunami alert na inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) gabi ng Biyernes din. 

Sa kaugnay na balita, naglabas ng “Red Orange Tsunami Warning” ang Department of Science and Technology (DOST) - PHIVOLCS sa mga probinsya ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, at Davao Oriental matapos ang pagyanig ng magnitude 6.9 na lindol sa Davao Oriental, gabi ng Biyernes, Oktubre 10. 

Sean Antonio/BALITA