January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

7 katao namatay sa pagyanig ng dalawang lindol sa Davao Oriental – NDRRMC

7 katao namatay sa pagyanig ng dalawang lindol sa Davao Oriental – NDRRMC
Photo courtesy: Bureau of Fire Protection, Bureau of Fire Protection Region 11 (FB)

Pito na ang naiulat na namatay sa pagyanig ng dalawang lindol sa Davao Oriental at mga karatig-bayan nito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaga nitong Sabado, Oktubre 11. 

Ayon sa 6 a.m situational report ng NDRRMC, tatlo sa mga namatay ay mula sa Mati City, tatlo sa Pantukan, at isa sa Davao City.

Sa karagdagang ulat, ang naitalang casualties sa Mati City ay isang 54-anyos na babae, na nabagsakan ng pader, habang ang dalawa ay namatay dahil sa atake sa puso. 

Ang tatlo namang namatay sa Brgy. Kingking, Pantukan, Davao de Oro ay nalibing ng buhay sa isang mining site. 

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Habang ang kaso sa Davao City ay isang 80-anyos na lalaking naipit ng isang konkretong pader. 

Ayon pa sa NDRRMC, mayroong 3,519 na pamilya o 8,436 na indibidwal ang naapektuhan ng mga lindol sa rehiyon ng Davao at Caraga.

2,468 na pamilya o 7,915 na indibidwal sa bilang na ito ang nadala na sa pitong evacuation center. 

Mayroon ding 28 na kabahayan ang nagtamo ng pagkasira, habang lima ang tuluyan nang bumagsak. 

Binanggit din ng NDRRMC na limang kalsada at isang tulay sa rehiyon ng Davao, Soccsksargen, at Caraga, ang sinarado at hindi puwedeng daanan ng mga residente. 

Matatandaang magnitude 7.4 ang tumama sa Davao Oriental, umaga ng Biyernes, Oktubre 10, at magnitude 6.8 naman noong gabi. 

Ang dalawang paglindol na ito ay tinawag din na “doublet” o twin earthquakes. 

Sean Antonio/BALITA