December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

24/7 aid sa mga biktima ng lindol sa Davao, direktiba ni PBBM sa mga ahensya

24/7 aid sa mga biktima ng lindol sa Davao, direktiba ni PBBM sa mga ahensya
Photo courtesy: Bureau of Fire Protection Region 11 (FB)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na magbigay ng 24/7 assistance sa mga nabiktima ng mga paglindol sa Davao Oriental at mga karatig-lugar nito. 

Ibinahagi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez nitong Sabado, Oktubre 11, na nais tiyakin ni PBBM ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa mga lugar na naapektuhan ng mga lindol. 

“The President's paramount concern is the safety and well-being of our people in the earthquake struck areas,” saad ni Gomez. 

Dahil dito, direktiba ng Pangulo ang “round the clock” rescue and relief operations ng frontline agencies sa mga apektadong probinsya. 

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

“On the instructions of the President, all concerned frontline agencies were tasked to work round the clock to provide rescue and relief operations,” dagdag pa niya. 

Kabilang sa mga ahensyang inatasan ni PBBM na magsagawa ng evacuation operations ay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense (OCD), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG). 

Matatandaang niyanig ng dalawang lindol ang Manay, Davao Oriental, magnitude 7.4 noong umaga ng Biyernes, Oktubre 10, at 6.8 naman noong gabi. 

Ayon naman sa 6 a.m situational report ng NDRRMC, pito na ang naiulat sa Davao Oriental at mga karatig-bayan nito.

KAUGNAY NA BALITA: 7 katao namatay sa pagyanig ng dalawang lindol sa Davao Oriental – NDRRMC

Sean Antonio/BALITA