January 06, 2026

Home BALITA

United Nations, nakahandang tumulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao Oriental

United Nations, nakahandang tumulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao Oriental
Photo courtesy: UN/FB, MB


Ibinahagi ng United Nations (UN) Philippines na handa itong magpadala ng tulong kasunod ang tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10.

Ayon sa mga ulat, inilahad ni UN Philippines Resident Coordinator Arnaud Peral sa isang press conference sa Mandaluyong City nitong Biyernes, na handang kumilos ang mga kaugnay na ahensya ng UN kung sakaling humiling sa kanila ng assistance ang pamahalaan.

“We just learned about the earthquake in Davao. We will obviously see if we will be asked to provide any kind of support, and we stand ready to provide support,” ani Peral.

"We are always in coordination with the government and local authorities in activating our networks in coordination with civil society organizations,” dagdag pa niya.

Ibinahagi niya ring nagsasagawa ng assessment ang UN Philippines sa sitwasyon matapos ang lindol, at nakikipag-ugnayan na rin sa mga ahensya ng gobyerno.

Nilinaw naman ni UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na si Joseph Addawe na mayroong “contingency plan” ang kanilang grupo kung sakaling sila ay tawagan para tumulong, na sumusuporta sa mga naging pahayag ni Peral.

Matatandaang sinabi rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naghanda sila ng search, rescue, and relief operations bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng lindol sa Manay, Davao Oriental.

“We are now assessing the situation on the ground and ensuring that everyone is safe. Search, rescue, and relief operations are already being prepared and will be deployed as soon as it is safe to do so. The Department of Social Welfare and Development is pre-positioning food and non-food items, while the Department of Health is ready to provide emergency medical assistance,” ani PBBM.

MAKI-BALITA: PBBM, sinusuri sitwasyon sa Davao Oriental; sinabing handa na rin search, rescue, relief operations-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita