Nagbahagi ng kaniyang saloobin si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa tungkol sa hindi pa rin pag-uwi ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa Pilipinas sa gitna ng pagyanig ng lindol sa Davao Oriental.
Ayon sa ibinahaging post ni Dela Rosa sa kaniyang Facebook nitong Biyernes, Oktubre 10, 2025, tila nagmakaawa pa ang senador kay Co sa hindi nito pag-uwi.
“Maawa ka na sa Pilipinas Zaldy! Palagi daw itong lilindolin hanggat hindi ka umuuwi!” pagsisimula ng senador.
Pagpapatuloy pa niya, “Kahit nakasquat na ako sa lupa kanina nahihilo pa rin ako sa lakas at tagal ng lindol. Umuwi ka na please.”
Photo courtesy: Ronald Bato Dela Rosa (FB)
Kinatigan naman ng netizens ang naturang pahayag ni Dela Rosa.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ng senador:
“Pinapauwi na dapat para maibalik ang pinaghirapan ng bayan.”
“Sen. Ronald Bato Dela Rosa Wala din pala bayag Yan si Zaldy Co. Pag nagkaroon ng bitay by firing squad baka lahat ng MIU mag volunteer.”
“Hindi uuwi yan ng kusa idol, kailangan may pumunta doon at kaladkarin siya pabalik dito.”
“That is why people like you, got the sense of humor sir Bato.”
“Sunduin nyo sen. kay dina makabatok mouli?”
“This is why we have reserve fund for any calamity that will come to us, we will have something foo the people.”
Matatandaang kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang hindi pa rin pag-uwi ni Co sa bansa.
MAKI-BALITA: Zaldy Co, hindi pa rin nakakabalik sa Pilipinas—BI
Ayon sa pahayag ng BI noong Huwebes, Oktubre 9, 2025, iginiit nilang batay sa recent travel records ni Co, kumpirmadong wala pa raw ang dating mambabatas sa Pilipinas.
“Ang alam po natin, si (dating) congressman Co ay wala sa ating bansa. ‘Yun po ang nakikita natin sa checking ng recent travel record,” ayon kay BI deputy spokesperson Melvin Mabulac.
MAKI-BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental
Mc Vincent Mirabuna/Balita