May 22, 2026

Home SHOWBIZ

'Tagal niyo nang ganiyan!' Chie Filomeno, bumuwelta sa mga basher sa social media

'Tagal niyo nang ganiyan!' Chie Filomeno, bumuwelta sa mga basher sa social media
Photo courtesy: Chie Filomeno (IG)

Bumuwelta ang Kapamilya actress-model na si Chie Filomeno kaugnay sa mga bumabatikos sa kaniya sa social media.

Ayon sa ibinahaging pahayag ni Chie sa kaniyang Instagram story nitong Biyernes, Oktubre 10, 2025, sinabi ng aktres na tila hindi pa rin nagbabago ang mga tao sa pagpuna at pangmamaliit sa mga katulad niyang artista.

“The comments Lagi naman ganun no? When you finally stand up for yourself, some people will find something to criticize or belittle you,” panimula ni Chie.

“If I stay silent, I’m guilty. Tagal niyo nang ganyan-kahit anong issue, kahit sinong artista-wala pa ring pagbabago hanggang ngayon,” pagdidiin pa niya.

Photo courtesy: Chie Filomeno (IG)

Photo courtesy: Chie Filomeno (IG)

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Ani Chie, ayaw na raw niyang magpaulit-ulit na magpaliwanag sa mga taong bumabatikos sa kaniya. 

“And then if I speak up, kasalanan ko na naman. I’ve already addressed these things before ayaw ko na maging sirang plaka tulad niyo and like I said-people will believe what they want to believe,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa ng aktres, “papatol” na umano siya sa mga taong nagsasabi ng hindi magagandang bagay tungkol sa kaniya. 

“Since patolera daw ako (kayo na rin nagsabi niyan), I choose my battle wisely. Okay this time… I’ll make patol,” pagbuwelta ni Chie, “I will not allow anyone to belittle me, especially the people close to my heart.”

Pahabol pa ng aktres, “I’ve seen how some hide behind dummy accounts, private profiles, or worse-create new ones just to hurt others. That's not right. Tigilan niyo na please. It might not do much, but it’s about time people understand their boundaries. I will speak when I feel it’s necessary-dahil tao pa rin ako. Tao pa rin kami. ”

Ani Chie, mas mabuti umanong unahin na lang ngayon ang mga kinakaharap ng bansa partikular sa maanomalyang flood-control projects at mga naganap na lindol sa Cebu at Davao Oriental.

“Ang ingay na ng mundo natin. Mas mabuti unahin na lang natin ang mas mahalagang bagay, tulad ng flood control at malakas na lindol sa Cebu at Davao. Let’s also pray for those affected by the earthquake and the floods. Hindi yung buhay ng ibang tao ang inaatupag niyo,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: ‘There was no breakup:’ Jake Cuenca, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Chie Filomeno

MAKI-BALITA: 'I may be a public figure, but I am not public property!'—Chie Filomeno

Mc Vincent Mirabuna/Balita