May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Padayon ang kasal!’ 4 na magkasintahan, itinuloy pa rin ang pag- iisang dibdib sa kabila ng lindol

‘Padayon ang kasal!’ 4 na magkasintahan, itinuloy pa rin ang pag- iisang dibdib sa kabila ng lindol
Photo courtesy: Francis Paculanang/ Panabo City Information Office (FB)

Ipinagpatuloy ng apat na magkasintahan ang kanilang pag-iisang dibdib sa kabila ng pagyanig ng lindol sa Panabo City, Davao Del Norte, nitong Biyernes, Oktubre 10. 

Ayon sa Facebook page ng Panabo City Information Office, ang “Kasalan sa Balay Dakbayan” ay ginanap sa labas ng Panabo City Hall, na sinaksihan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng probinsya. 

“Wala ka pugong ang kakusog sa pag tay-og sa linog sa upat (4) ka mga pares nga gikasal ni Mayor Jose E. Relampagos atol sa Kasalan sa Balay Dakbayan, nga gipahitabo gawas sa Panabo City Hall, adlawng Oktubre 10, 2025,” saad dito.  (“Hindi napigilan ng tindi ng lindol ang apat (4) na mag-asawang ikinasal ni Mayor Jose E. Relampagos sa Kasal ng City Hall, na ginanap sa labas ng Panabo City Hall, noong Oktubre 10, 2025,”) 

“Nahimong usa ka halandomon ang kaminyuon sa mga pares diin gisaksihan sa kadaghanan nga empleyado sa gobyerno ang ilang legal nga panaghiusa,” dagdag pa. (“Naging hindi malilimutan ang kasal ng mag-asawa, na maraming empleyado ng gobyerno ang nakasaksi sa kanilang legal na pagsasama,”) 

Bilang pakikiisa, nagbahagi rin ng mensahe ang mga saksi sa mga bagong kasal. 

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

“Naghandom ang mga nakasaksi sa kasal nga mas mahimong malig-on pa sa kakusog sa linog ang panag-uban sa matag pares,” pagbati ng munisipsyo. (“Nais ng mga nakasaksi sa kasal na ang lakas ng lindol ay lalong magpapatibay sa samahan ng bawat mag-asawa,”) 

Matatandaang niyanig ng magnitude 7.4 ang Manay, Davao Oriental, umaga ng Biyernes, Oktubre 10, kung saan naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Intensity V sa ilang karatig-bayan, kabilang ang Davao Del Norte. 

Kaugnay na Balita: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental

Sean Antonio/BALITA