May 22, 2026

Home BALITA

Netizens, binalikan hula ni Rudy Baldwin; di nagkamali sa hula ng lindol sa Mindanao?

Netizens, binalikan hula ni Rudy Baldwin; di nagkamali sa hula ng lindol sa Mindanao?
Photo courtesy: Contributed photo

Muling umingay ang mga premonisyon umano ni Rudy Baldwin matapos ang tila nagkatotoo raw niyang vision hinggil sa pagtama ng malakas na lindol sa Mindanao.

Sa kaniyang Facebook account, ni-reshare ni Baldwin ang post ng isang netizen na may mga screenshot umano ng kaniyang mga dati na ring FB post hinggil sa umano'y nakita niyang lindol na tatama sa Surigao at Davao.

Batay sa sa kaniyang FB post noong Pebrero 19, iginiit niya ang umano'y vision niya ng lindol at tsunami sa Surigao del Norte at Davao.

"Nakita ko sa vision ko ang malakas na pagyanig ng limang malakas na lindol sa Surigao del Norte at ganun din sa Surigao del Sur ang makaranas ng tsunami. Isa na dito makaranas na malakas na lindol ang Davao," saad ni Baldwin.

Nasundan pa ito ng isa pang FB post noon namang Hulyo 10, kung saan nakalagay ang mangyayari pa lamang daw na lindol sa Davao.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

"Ito ang mga lugar na nakita ko sa vision ko na magkaroon ng malakas ng lindol. Malakas ito, damay ang mga kalapit na lugar nito," saad ni Baldwin sa kaniyang post.

Dagdag pa niya, "Maging handa dahil mauulit-ulit ang malakas na pagyanig at ang isa nito ay malakas. May nakita akong tulay na masira."

Bunsod nito, tila hindi naman naiwasan ng netizens ang pagbaha ng kanilang sentimyento sa nasabing shared post ni Baldwin.

"Proud ka pa niyan kasi nagkatotoo vision mo?"

"Halos lahat ng premonition ni Rudy Baldwin nagkatotoo."

"Ngayon kayo hindi maniwala sa vision n'ya! Pinag-iingat na tayo eh."

"Basta bashers hindi talaga maniniwala eh."

"Sana 'wag sa inyo mangyari, bashers kayo."

"Dalawang magkaibang post pero halos nangyari ng sabay."

"Madami kayong nagalit, nagpapaalala lang naman siya."

"Tama lahat ang pahiwatig n'ya, mag-ingat po ang lahat!"

"Lahat naman lilindolin eh, nagkataon lang 'yan!"

"Wala namang masama kung maniniwala sa babale eh."

Matatandaang nitong Biyernes, Oktubre 10, nang yanigin ng 7.4 ang Davao Oriental at karatig nitong probinsya. Kasunod nito, ang mabilis na pagtaas ng Phivolcs ng tsunami warming para naman sa pito pang mga lalawigan mula sa Visayas at Mindanao.

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental