May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga pasyente sa isang ospital sa Davao del Sur, pinalabas na ng mga gusali

Mga pasyente sa isang ospital sa Davao del Sur, pinalabas na ng mga gusali
Photo courtesy: Contributed photo

Isa-isa nang pinalalabas ng Davao del Sur Provincial Hospital ang kani-kanilang mga pasyente matapos ang pagtama ng magnitude 7.6 na lindol ang Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10, 2025.

Sa video na ibinahagi ng ilang local news outlets, makikita ang ilang pasyenteng tulak-tulak mula sa kanilang hospital beds palabas sa harapan ng nasabing ospital.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama sa ang lindol sa layong 62 km timog-silangan ng Manay, Davao Oriental na may lalim na 10km.

KAUGNAY NA BALITA: Magnitude 7.6 na lindol, tumama sa Davao Oriental ngayong Oct. 10

Kasunod nito, Itinaas ang tsunami warning sa 07.07N, 127.06E sa Davao Oriental bunsod ng nasabing lindol.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!