May 22, 2026

Home BALITA National

Kabataan Partylist, 'tutol' sa hindi pagtanggap ng Kamara na taasan pondo ng State Universities, Colleges

Kabataan Partylist, 'tutol' sa hindi pagtanggap ng Kamara na taasan pondo ng State Universities, Colleges
Photo courtesy: House of Representatives (YT)

Mariin umanong tinututulan ng Kabataan Partylist ang hindi pagtanggap ng Kamara na taasan ang pondo para sa mga State Universities at Colleges (SUCs). 

Ayon sa naging pahayag ng Kabataan Partylist sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, OKtubre 10, 2025, ibinahagi nila ang hindi pagpayag ng Kamara sa kanilang proposed amendments na layong itaas ang budget ng 25 bilang ng mga SUCs.

“[Rejected] ng Kamara ang proposed amendments nating taasan ang budget ng 25 State Universities and Colleges (SUCs) na may BUDGET CUT pa rin,” panimula ng Kabataan.

“Sabi ng Kamara, sapat na raw ang idinagdag at wala nang pondong maibibigay pa,” pahabol pa nila.

Photo courtesy: KABATAAN PARTYLIST (FB)

Photo courtesy: KABATAAN PARTYLIST (FB)

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Anang Kabataan Partylist, tinututulan umano nila ang naging pahayag ng Kamara na “sapat” na raw umano ang badyet para sa SUCs. 

“Mariing tinututulan ng Kabataan Partylist ang pahayag ng Kamara na sapat na raw ang dagdag-badyet sa SUCs,” paggigiit pa nila. 

“Danas ng bawat Iskolar ng Bayan ang hirap na magpatuloy sa kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan ng pondo at suporta mula sa gobyerno,” hinaing pa ng Kabataan. 

Magpapatuloy umano ang kanilang panawagan dahil dapat umanong matanggap ng bawat Iskolar ng Bayan ang tunay na edukasyon. 

“Tuloy ang panawagan at pakikibaka natin para sa dagdag at sapat na budget para sa SUCs.”

“Deserve ng bawat Pag-asa at Iskolar ng Bayan ang tunay na libre, abot-kamay, at de-kalidad na edukasyon,” pagtatapos pa nila. 

Kaugnay ito sa nauna nang pahayag ni Chairperson of the Committee on Appropriation Mikaela Angela Suansing sa naging pagdinig ng Kamara nito ring Biyernes, Oktubre 10, 2025. 

Ani Suansing, nakapagbigay na umano ang kanilang Komite ng sapat na budget para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral sa SUCs. 

“The payments of the deficiencies of SUCs amounting to a total of 12 billion pesos. Isa po ‘yan sa mga pangunahing hinihingi ng mga State Universities na atin na pong tinugunan[...]”

“‘Yon po talaga ‘yong pangunahing hinihingi ng mga State Universities at Colleges. Dahil ‘yong payment po na ‘yon na matatanggap nila, ‘yon po ay puwede na rin nilang gamitin agad-agad para po tugunan ‘yong kanilang mga pangangailangan pagdating po sa pasilidad at operating expenses,” saad ni Suansing. 

Pagpapatuloy pa niya, nakapagdagdag na rin umano sila ng pondo para sa mga programang mayroon ang mga State Universities at Colleges. 

“We’ve also added 1.8 billion [pesos] towards the construction of other facilities in SUCs as well as operating expenses and additional 1 billion pesos towards the UP system for Project NOAH. This is on top of funding that we put in towards the Tertiary Education Subsidy and the Tulong Dunong program amounting to around five (5) billion pesos,” paglilinaw niya. 

Dahil dito, buong paggalang umano nilang hindi tatanggapin ang hinihinging amyenda ni Co.

“And with that, the Committee reiterates our very strong support for higher education in the State Universities and Colleges. As much as we would like to accommodate the proposed amendments, the Committee respectfully rejects the proposed amendments of Hon. Co,” pagtatapos pa niya. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita