May 13, 2026

Home BALITA National

₱20/kilo ng bigas, magiging ‘available’ na sa Davao region–DA

₱20/kilo ng bigas, magiging ‘available’ na sa Davao region–DA
Photo courtesy: Department of Agriculture - Philippines/FB


Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na magiging available sa Davao region ang ₱20 kada kilong bigas ng programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong buwan ng Oktubre.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), ito ay bunsod ng pananalasa ng magnitude 7.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10.

MAKI-BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental-Balita

Kasabay nito, ayon pa sa ulat, ipinag-utos ng kalihim ng DA na si Sec. Francisco Laurel Tiu Jr. ang agarang pagsusuri ng mga naging epekto ng nasabing lindol sa sektor ng agrikultura.

"I have instructed all regional directors to go to areas affected to give me a report as soon as possible on damages," ani Sec. Tiu sa isang Viber message sa PNA.

Matatandaang umabot din sa Cebu ang ₱20 kada kilong bigas na programa ng Pangulo, kaugnay naman sa naganap na 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu kamakailan.

Vincent Gutierrez/BALITA