December 13, 2025

Home BALITA

Zaldy Co, hindi pa rin nakakabalik sa Pilipinas—BI

Zaldy Co, hindi pa rin nakakabalik sa Pilipinas—BI
Photo courtesy: Zaldy Co/FB

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na wala pa rin umano sa Pilipinas si dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.

Ayon sa pahayag ng BI nitong Huwebes, Oktubre 9, 2025, iginiit nilang batay sa recent travel records ni Co, kumpirmadong wala pa raw ang dating mambabatas sa Pilipinas.

"Ang alam po natin, si (dating) congressman Co ay wala sa ating bansa. ‘Yun po ang nakikita natin sa checking ng recent travel record," ayon kay BI deputy spokesperson Melvin Mabulac.

Matatandaang noong Setyembre 29 pa ang naging huling palugit ng Kamara kay Co upang makabalik ng bansa matapos nilang mai-revoke ang kaniyang travel clearance.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

KAUGNAY NA BALITA: 10 araw na palugit, ibinigay ni House Speaker Dy para makabalik ng bansa si Rep. Zaldy Co

Si Co ang isa sa mga mambabatas na idinidiin sa maanomalyang budget insertion at paghingi ng kickback umano mula sa flood control projects.

Maki-Balita: Zaldy Co, nag-insert umano ng ₱35.24B mula 2022-2025

Bago pa man ito, nauna nang pinangalanan ng contractor na si Curlee Discaya si Co bilang isa sa mga matataas na opisyal na nakakatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata sa gobyerno.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Noong nang tuluyang magbitiw sa puwesto si Co bilang kinatawan ng Ako Bicol Partylist.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Ito ay hindi naging madali!’ Rep. Zaldy Co, nagbitiw na sa puwesto

"Mabigat man sa aking puso, ako’y nagpaabot ng aking pagbibitiw bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso," saad ng kongresista.

"[N]gunit ito ay aking tinimbang nang mabuti para sa ikabubuti ng aking pamilya at ng mga taong patuloy kong pinaglilingkuran," dugtong pa niya.