Nasa Philippine Area of Responsibility (PAR) na ang tropical storm na "Nakri" na may Filipino name na "Quedan," batay sa 12:40 PM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Huwebes, Oktubre 9.
Bag tuluyang pumasok sa loob ng PAR, namataan ang bagyo sa 1,415 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon, na may maximum sustained winds na 75 km/h malapit sa mata o sentro, gustiness na 90 km/h, at central pressure na 998 hPa.
Ito ay kumilos pahilaga ng northwestward sa bilis na 25 km/h.
Wala pang itinataas na tropical cyclone wind signal sa alinmang lugar sa bansa habang isinusulat ang artikulong ito subalit pinag-iingat na ng PAGASA ang mga lugar na posibleng daanan at maapektuhan nito.