December 13, 2025

Home BALITA National

Tropical Storm 'Quedan,' pa-exit na ng PAR

Tropical Storm 'Quedan,' pa-exit na ng PAR
DOST-PAGASA

Palabas na ng Philippine Area of Responsibility ang tropical storm "Quedan," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 9.

Bandang 8:00 PM, nang pumasok sa PAR ang bagyong "Quedan," na may international name na "Nakri," ayon sa weather bureau.

Base sa latest weather bulletin ng PAGASA, as of 11:00 PM, huling namataan ang bagyo sa layong 1,345 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon. Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Inaasahang lalabas na ng PAR ang bagyo ngayong gabi o bukas ng umaga.

Ang bagyong "Quedan" ang ikalawang bagyo ngayong Oktubre, at ika-17 ngayong 2025.