December 14, 2025

Home BALITA National

Taga-Leyte, wagi ng ₱13-M jackpot prize sa MegaLotto 6/45

Taga-Leyte, wagi ng ₱13-M jackpot prize sa MegaLotto 6/45
MB PHOTO BY MARK BALMORES

Isang lone bettor mula sa Leyte ang pinalad na magwagi ng ₱13-milyong jackpot ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 8.

Sa abiso ng PCSO nitong Huwebes, nabatid na ang lucky winner ay mula sa Poblacion, Calubian, Leyte.

Matagumpay nitong nahulaan ang winning combination ng MegaLotto 6/45 na 25-28- 42-17-01- 22, kaya’t naiuwi nito ang katumbas na premyo na ₱13,255,888.20.

Ayon sa PCSO, may isang buwan lamang ang lucky bettor upang kubrahin ang kanyang premyo mula sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City, sa pamamagitan nang pagpiprisinta ng kanyang winning ticket at dalawang balidong government IDs.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Nagpaalala rin ang PCSO na alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ang lahat ng lotto winnings na lampas ng ₱10,000 ay papawatan ng 20% tax.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Samantala, hinikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga gaming products ng PCSO upang mas marami pa silang matulungan na mga kababayan nating nangangailangan.