December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Erwin Tulfo, isinusulong 'one-month tax holiday' sa sahod ng mga empleyado

Sen. Erwin Tulfo, isinusulong 'one-month tax holiday' sa sahod ng mga empleyado
Photo courtesy: Erwin Tulfo (FB)

Nilalakad ni acting Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Sen. Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1446 o ang One-Month Tax Holiday Bill na magbibigay ng isang buwang suspensyon sa pagsingil ng buwis sa mga manggagawang Pilipino. 

Ayon sa naging panayam ng One PH kay Tulfo nitong Huwebes, Oktubre 9, sinabi niyang nailapit na umano niya ito sa kaniyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo. 

“I have discussed it with my brother, okay naman siya. And I believe na ‘yong mga senador siguro na pro poor, papayag d’yan,” panimula niya. 

“Kasi para sa mga mambabatas na makamanggagawa d’yan, susuportahan ‘yan kasi para sa mga manggagawa din naman ‘yan,” pahabol pa ng senador. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ani Tulfo, plano umano nilang humugot ng kapital mula sa bilyon-bilyong ninakaw sa kaban ng bayan at binulsa ng mga korap sa gobyerno. 

“Kung sasabihin ng iba d’yan na ‘saan natin kukunin, malulugi tayo?’ ang sagot ko lang naman d’yan, ‘yong mga nabulsa d’yan,” saad ni Tulfo.

“Doon natin kunin sa mga nagbulsa ng bilyon-bilyon [piso]. Kakayanin ‘yan, kung gugustuhin. It’s just a political will at kung aaprubahan din ng mga kasamahan natin,” dagdag pa niya. 

Pagpapatuloy pa ni Tulfo, pinag-aralan na rin umano nila ito ng kaniyang mga accountant at legislative lawyers. 

“Pero kung tutuusin, kakayanin, e. I have talked to my accountant, I have talked to my legislative lawyers, they all agreed na[...] which I believe it can happen,” pagtatapos pa niya. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita