December 13, 2025

Home BALITA National

SAPIEA sa 'one-month tax holiday' ni Sen. Erwin Tulfo: 'Kailangang pag-aralan itong mabuti'

SAPIEA sa 'one-month tax holiday' ni Sen. Erwin Tulfo: 'Kailangang pag-aralan itong mabuti'
Photo courtesy: RTVMalacanang (YT), BALITA FILE PHOTO

Nagbigay ng pahayag ang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) kaugnay sa isinusulong na Senate Bill No. 1446 o ang One-Month Tax Holiday Bill ni Sen. Erwin Tulfo.

Ayon sa isinagawang press conference ng Presidential Communication Office (PCO) nitong Huwebes, Oktubre 9, sinabi ni SAPIEA Sec. Frederick D. Go na kinakailangan muna umanong mabuting pag-aralan ang nasabing panukala ni Tulfo para sa suspensyon ng pagbabayad ng buwis ng mga manggagawa.

“Bagumbago po ‘to. Kailangang pag-aralan ito nang mabuti ng Department of Finance (DOF) at DBM [Department of Budget and Management],” panimula ni Go.

“This is quite a big matter and I think it’s best to give the DOF and DBM time to carefully study this proposal,” pahabol pa niya.

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Samantala, hindi pa naman nagbigay ng kaniyang opinyon si Go kaugnay sa nasabing “one-month tax holiday.”

“I’d like to differ this matter to the Department of Finance and the DBM because this really has to be studied carefully. I would hesitate to make a response that’s probably not very well thought about,” paglilinaw niya.

Matatandaang nauna nang ilakad ni Tulfo ang nasabing Senate Bill na magbibigay ng isang buwang suspensyon sa pagsingil ng buwis sa mga manggagawang Pilipino.

MAKI-BALITA: Sen. Erwin Tulfo, isinusulong 'one-month tax holiday' sa sahod ng mga empleyado

Ayon sa naging panayam ng One PH kay Tulfo nito ring Huwebes, sinabi niyang nailapit na umano niya ito sa kaniyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo.

“I have discussed it with my brother, okay naman siya. And I believe na ‘yong mga senador siguro na pro poor, papayag d’yan,” panimula niya.

“Kasi para sa mga mambabatas na makamanggagawa d’yan, susuportahan ‘yan kasi para sa mga manggagawa din naman ‘yan[...]” pahabol pa ng senador.

Pagpapatuloy pa ni Tulfo, pinag-aralan na rin umano nila ito ng kaniyang mga accountant at legislative lawyers.

“Pero kung tutuusin, kakayanin, e. I have talked to my accountant, I have talked to my legislative lawyers, they all agreed na[...] which I believe it can happen,” pagtatapos pa niya.

Mc Vincent Mirabuna/Balita