Sa tingin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ayaw umano ni dating House Speaker Martin Romualdez na umuwi rito sa Pilipinas si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Sa panayam ni Magalong sa ANC Headstart nitong Huwebes, Oktubre 9, napag-usapan ang tungkol sa "inconsistecies" sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Isa sa naibahagi ng mamamahayag na si Karen Davila ang nakita umanong "inconsistency" ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, na hindi pagkansela nina Pangulong Bongbong Marcos at Romualdez ng passport ni Co.
"Ang pananaw ni Morales is... that they're really protecting Zaldy Co para hindi umuwi," ani Davila.
"Sa akin naman, it is more on the impact on former Speaker Romualdez. Sa tingin ko, mismong si Speaker Romualdez ayaw umuwi si Zaldy Co e," sagot ni Magalong.
"Kasi, otherwise, siya lang makakapag-implicate sa kaniya e, kung paano yung sistema na ginawa nilang dalawa. Pero hindi ko rin alam, mayroon pa namang ibang mga congressman na alam din 'yong kanilang sistema e." dagdag pa ng dating ICI special adviser.
"Nandyan din sina Congressman Gardiola, Congressman Dong Gonzales, sila 'yong malalapit na... may circle 'yang mga 'yan e. Nandyan si Congressman Dalipe, Congressman Jojo Ang, JJ Suarez, marami pang nakakaalam," giit pa ni Magalong.
Samantala, ibinahagi ng ICI noong Oktubre 1 na padadalhan nila ng subpoena sina Romualdez at Co.
Kinumpirma rin ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Oktubre 9 na wala pa rin sa Pilipinas si Co.
Maki-Balita: Zaldy Co, hindi pa rin nakakabalik sa Pilipinas—BI