December 13, 2025

Home BALITA Metro

QC LGU, naalarma matapos makapagtala ng karagdagang 993 kaso ng dengue

QC LGU, naalarma matapos makapagtala ng karagdagang 993 kaso ng dengue
Photo courtesy: Freepik QCESD (FB)

Nakaalerto ang Quezon City Local Government Unit (LGU) matapos muling tumaas ang bilang ng dengue sa lungsod sa mga nagdaang linggo. 

Sa pahayag ng Quezon City Epidemiology & Surveillance Division (QCESD) nitong Huwebes, Oktubre 9, ibinahagi rito na may karagdagang 993 kaso ng dengue sa lungsod simula Setyembre 10 hanggang Oktubre 7. 

“Dengue cases in Quezon City continue to show persistence and an upward trend over the past weeks. A total of 993 dengue cases were reported between September 10 and October 7, reflecting a 30% increase in cases over the last 14 days, with an average of 40 cases reported per day,” saad dito. 

Binanggit din sa pahayag na sa mga araw na ito na may karagdagang apat na sa tala ng mga namatay dahil sa sakit, na bumubuo sa 30 bilang ng pagkamatay sa taong 2025. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“Within this period, 4 dengue additional deaths were recorded. The city now has a cumulative count of 30 deaths this year, corresponding to a case fatality rate of 0.34%,” dagdag pa rito. 

Ang mga nasabing kaso ng pagkamatay ay mula raw sa Brgy. Batasan Hills, Doña Imelda, Krus na Ligas, at Roxas. 

Sa nakalipas na apat na linggo, mga lalaki ang naitalang bumubuo sa 488 o 56% ng dengue cases, habang 381 naman ang mga babae o 44%. 

Karamihan din daw sa kinapitan ng dengue ay mga batang nasa edad 5 hanggang 17, na may 381 na bilang o 59%. 

Sa mga naitala ring kaso, 442 bilang o 51% ang naitalang walang “Warning Signs,” habang 415 o 48% ang nakitaan ng “Warning Signs,” at 12 o 1% ang kaso ng severe dengue. 

Ang mga barangay na na may pinakamaraming naitalang kaso ay Batasan Hills (82), Commonwealth (61), Holy Spirit (59), Tatalon (46), at Pasong Tamo (44).

Dahil sa mga talang ito, inaabisuhan ng QC LGU ang kanilang mga mamamayan na agad magtungo sa pinakamalapit na health center para sa libreng check-up at dengue test. 

Photo courtesy: QCESD (FB)

Sa kaugnay na balita, umakyat na sa 8,726 ang kabuoang kaso ng dengue sa Quezon City mula Enero 1 hanggang Oktubre 7, 2025. 

Ayon sa Facebook page ng QCESD, mas mataas ng 91% ang bilang na ito kumpara noong 2024 sa parehong panahon na mayroong 4,581 bilang. 

Sa mga talang ito, mga batang 10 taon gulang pababa ang bumubuo sa 4,235 bilang ng kaso. 

Photo courtesy: QCESD (FB)

KAUGNAY NA BALITA:  DOH, nagpaalala kontra dengue ngayong tag-ulan

KAUGNAY NA BALITA: Mga batang edad 10 pababa, pinakaapektado sa higit 7,000 kaso ng dengue sa QC

Sean Antonio/BALITA