December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nakakahiya na kayo mga kurakot!' Pokwang, nag-react sa sermon ng dayuhang pari tungkol sa Pinas

'Nakakahiya na kayo mga kurakot!' Pokwang, nag-react sa sermon ng dayuhang pari tungkol sa Pinas
Photo courtesy: Pokwang (IG)

Tila hindi napigilan ni Kapuso comedienne at TV host Pokwang ang gigil niyamatapos ibahagi sa Instagram post ang isang video ng banyagang pari, na nanenermon sa homily tungkol sa korapsyon, partikular sa Pilipinas.

Makikita sa nabanggit na video na ang pinatutungkulan ng pari ay tungkol sa korapsyon sa Pilipinas.

"The system in the Philippines is very corrupt," maririnig na sambit ng pari.

"The government is sucking the blood of the poor just to make wealth."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Mababasa naman dito ang text caption na, "Diba kayo nahiya nyan, pati pari sa ibang bansa. Pinupuna kayo."

Kaya naman sey ni Pokwang, "NAKAKAHIYA NA KAYO MGA KURAKOT!!! TAPOS ANG KARAMIHAN PA SA INYO MGA MAKA DYOS KUNO TANG INA!!!!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Paano kasi yung anak ng nag imbento ng corruption sa Pilipinas, binoto nila. Ay meron palang isa pa bago yung anak. Ang ganda sana yung nagawa ni PNoy, mali yung sumunod. Hay buhay."

"Wala ng pag asa ang Pinas mas maigi pa kung masakop na lang tayo ng Japan para mag ka systema ang Pinas."

"Mayaman ang Pilipinas, nkaupo daw tayo sa pot of gold pero ang daming hikahos dahil sa mga buwaya."

"They live in their own bubble. Wala silang maririnig from the masa. Kaya tuloy pa rin ang kurakot. And Marcos is letting his cousin and their minions run away. Punyeta!"

Matatandaang isa si Pokwang sa mga celebrity na diretsahang nagpapahayag ng kaniyang saloobin hinggil sa mga isyu sa lipunan at politika, kagaya na lamang ng korapsyon.