Pinasaringan ng aktres na si Nadine Lustre at ng Pinoy Big Brother (PBB) host na si Bianca Gonzalez ang mga umano’y kurakot na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukulong.
Ibinahagi nila sa kanilang mga social media accounts ang kaniya-kaniya nilang komento ukol dito.
Sa Instagram story ni Nadine noong Miyerkules, Oktubre 8, ibinahagi niya ang isang post ng FTTM (Follow The Trend Movement), kalakip ang awiting “Upuan” ng Pinoy rapper na si Gloc-9.
“[A]nother day, another ‘wala pa ring nakukulong na korap’,” saad sa post.
Ibinahagi naman ni Bianca sa kaniyang X account nitong Huwebes, Oktubre 9, ang parehong post mula sa FTTM.
“Kailangan na naman magbayad ng buwis soon pero wala pa ring nakukulong na kumurakot ng dating binayarang buwis?” pagtatanong ni Bianca.
Matatandaang ilang showbiz personalities na rin ang nagpahayag ng kani-kanilang mga komento hinggil sa umano’y malawakang korapsyon sa bansa, kaugnay ang imbestigasyon sa ilang mga flood control projects sa bansa.
KAUGNAY NA BALITA: 'Next issue na?' Ilang celebs, dismayado sa suspensyon ng flood control probe sa Senado-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA