Kaabang-abang ang muling pagtapak sa boxing ring ni 8-Division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao matapos nitong kumpirmahin ang sunod niyang laban sa susunod na taon.
Ibinahagi ng Indistry, isang global streaming network at entertainment agency, sa kanilang Instagram post noong Miyerkules, Oktubre 8, ang isang video kung saan inilalahad ni Pacquaio ang detalye ng kaniyang susunod na laban.
“Hello to all my boxing fans! I’m excited to let you know, I will be returning to the ring, January 24, in Las Vegas,” ani Pacquiao.
“I am looking forward to working with Indistry. It is going to be an exciting and special event,” dagdag pa niya.
Hindi pa kinumpirma ng tinaguriang “The People’s Champ” kung sino ang makakalaban niya.
“Stay tuned, more news to come on my opponent in the next few days. Thank you, everyone,” aniya.
Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Pacquiao sa huli nitong WBC welterweight fight kontra sa American boxer na si Mario Barrios noong Hulyo 20, 2025 sa Las Vegas, matapos niya itong bigong mapatumba, na nagresulta sa isang “majority draw.”
“Tonight, I know many enjoyed the fight. I know the decision is not good to me. I’m sad, but I did my best. Being not having a fight for four years I’m happy for my performance tonight,” ani Pacman.
KAUGNAY NA BALITA: Pacman, dismayado sa resulta ng laban kontra Barrios: 'I did my best in the ring!'-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA