December 13, 2025

Home BALITA National

'Magtayo rin ng bagong DSWD:' Rep. Barzaga, pinatutsadahan si Sen. Gatchalian

'Magtayo rin ng bagong DSWD:' Rep. Barzaga, pinatutsadahan si Sen. Gatchalian
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Pinatutsadahan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga si Sen. Win Gatchalian kaugnay sa nauna nang rekomendasyon ng senador na magtayo umano ng bagong ahensya ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

Ayon sa ibinahaging post ni Barzaga sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Oktubre 9, iminungkahi naman niyang magtayo na rin umano ng bagong ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

“Magtayo rin tayo ng bagong DSWD, puro magnanakaw rin doon!” saad ni Barzaga.

Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)

Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Kinatigan naman ng netizens ang naturang pahayag ni Barzaga. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa post ng congressman:

“Magtayo na rin ng bagong gobyerno.puro Sila mga corrupt e.”

“Sir kiko, with all due respect, you are in the position where you can change the anomalies in the government dept so pls do the necessary laws not just brag about knowing it.”

“Ano yun DPWH version 2.” 

“Mag Elect nalang din po tayo ng bagong Presidente.” 

“Mag isip po kayo sen. Win ng mabuti yong hindi kayo masupalpal ng batang congressman, tanda mo na dyan kapalpakan pa rin iniisip mo.” 

“The congressman always on point straight talk lng tama si cong don.” 

Matatandaang nauna nang magbigay ng pahayag si Gatchalian na magtayo na lamang daw ng bagong DPWH na nasasadlak ngayon sa iba't ibang isyu ng korapsyon at anomalya, kaugnay ng flood control projects at iba pang substandard na infrastructure projects.

MAKI-BALITA: 'Kung ako tatanungin, magtayo na lang ng bagong DPWH!—Sen. Win Gatchalian

“Kung ano tatanungin, magtayo na lang ng bagong DPWH,” ayon kay Gatchalian sa “Kapihan sa Senado” nito ring Huwebes, Oktubre 9, 

“Kumuha ng bagong tao dahil... ako kasi naniniwala kung hindi mo... ang aking philosophy sa management, darating ka kasi sa punto na kung hindi mo maayos iyan gumawa ka na lang ng bago. I think it will take years and years for Secretary Vince [Dizon] to clean up” paglilinaw pa niya. 

Pero iginiit din ni Gatchalian na hindi naman niya ito ipinapanukala sa ngayon dahil ito ay "extreme measure" at marami pang dapat gawin at pag-isipan.

Mc Vincent Mirabuna/Balita