December 18, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking naglalako ng isda, pinatay at saka pinagnakawan sa Sultan Kudarat

Lalaking naglalako ng isda, pinatay at saka pinagnakawan sa Sultan Kudarat
Photo courtesy: Pexels, contributed photo

Patay na nang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng kalsada sa Sultan Kudarat.

Ayon sa mga ulat, tadtad ng bala ng baril ang katawan ng biktimang napag-alamang naglalako raw ng isda nang sandaling mangyari ang krimen.

Hinala ng pulisya, pinagbabaril ang biktima habang nakasakay ito sa kaniyang motorsiklo.

Lumalabas din sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad na nawawala ang hindi pa tukoy na halaga na kinita ng biktima sa pagbebenta ng isda at maging ang ilang personal na gamit nito. 

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Bunsod nito, pagnanakaw ang hinihinalang anggulo ng pulisya bilang motibo ng krimen. Tanging ang motorsiklo na lamang ng biktima ang natira matapos limasin umano ang kaniyang mga gamit at pera.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumumba sa biktima.