December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Inah De Belen iginiit na irespeto choices ng isa’t isa, 'wag ipilit paniniwala sa iba

Inah De Belen iginiit na irespeto choices ng isa’t isa, 'wag ipilit paniniwala sa iba
Photo courtesy: Inah De Belen (FB)

Nagpasalamat ang aktres na si Inah De Belen sa mga netizen na umayon sa naging paraan niya ng pagsagot sa isang basher na kumuwestyon sa pagli-live in nila ng partner na si Jake Vargas.

Sa isang Facebook post kasi ni Inah kamakailan, mapapanood ang video ng pagsasayaw nila ni Jake sa saliw ng kantang “Man I Need” ni Olivia Dean.

Ngunit isang netizen ang nagkomento at tila binasag ang trip ng dalawa.

“Ang babata pa nag live in na,” komento nito.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Sagot naman ni Inah, “[N]ay 33 years old na po kami magresearch po muna kayo.”

KAUGNAY NA BALITA: Inah De Belen, pumalag sa paninita ng netizen sa pagli-live-in nila ni Jake Vargas

Nagpasalamat naman si Inah sa mga netizen na nagtanggol sa kaniya. Hindi raw niya akalaing magiging "big issue" ito.

"Hello, everyone! Honestly, I didn’t expect ganitong positive responses thank you so much sa lahat ng nag-send ng love and good vibes," aniya.

Photo courtesy: Screenshots from Inah De Belen (FB)

Paalala naman ni Inah sa lahat, matutuhan daw sana ang paggalang sa choices ng bawat isa, at huwag ipilit ang sariling paniniwala sa iba.

"Sana matutunan natin lahat na irespeto ang choices ng isa’t isa at wag ipilit ang paniniwala natin sa iba. Hangga’t wala namang naaapakang tao, hayaan na lang nating mamuhay ang bawat isa sa paraan na nagpapasaya sa kanila."

"Life’s lighter that way! More kindness, more love, less judgment," aniya.