December 13, 2025

Home BALITA National

Remulla, nanumpa na bilang bagong Ombudsman; nilinaw na hindi lang SALN ni VP Sara iimbestigahan

Remulla, nanumpa na bilang bagong Ombudsman; nilinaw na hindi lang SALN ni VP Sara iimbestigahan
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, Office of the Vice President (FB)

Nanumpa na bilang bagong Ombudsman si dating Secretary of Justice Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Huwebes, Oktubre 9, 2025, kay Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Marvic Leonen.

Matapos nito, nilinaw ni naman Remulla ang mga kumalat na usapin kaugnay sa “unang” iimbestigahan umano niya ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte. 

Ayon sa isinagawang press conference ni Remulla nito ring Huwebes, sinabi niyang hindi lang umano SALN ni VP Sara ang kaniyang titingnan. 

“Ang gagawin natin d’yan sa SALN issue, hindi lang isa ‘yan, lahat ‘yan. Ire-reduct lang natin ‘yong dapat i-reduct, that’s a data privacy,” pagsisimula ni Remulla. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Pagpapatuloy pa niya, hihingi naman umano sila ng permiso sa lahat ng iimbestigahan nila para buksan ang kanilang SALN. 

“Syempre hihingi tayo sa lahat ng requesting parties undertaking na hindi gagamitin ito sa paraan na hindi makakabuti sa bayan,” anang Ombudsmsan. 

“Kasi baka mamaya, maging political noise lang ‘yan at maging poison lang. Baka naman pag-isipan natin ulit ‘yan,” pahabol pa niya. 

Dagdag pa ni Remulla, magiging maingat umano siya sa pagsasaayos ng mga impormasyong kaniyang malalaman para sa responsibilidad niya bilang Ombudsman. 

“Information is power. Pero with great power comes [with] great responsibility. Dapat responsible tayo sa information na nakukuha natin,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nagbigay rin ng pahayag si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay sa nasabing plano umano ni Remulla na buklatin ang SALN ni VP Sara. 

MAKI-BALITA: 'Bakit first order of the day nakatutok agad kay VP Sara?'―Sen. Bato

Ayon sa naging panayam kay Dela Rosa ng True FM noong Miyerkules, Oktubre 8, sinabi ng senador na pinagtatakhan umano niya ang nasabing plano ni Remulla.

“Pero ang nakikita kong problema, bakit sa dami-daming problema ng Pilipinas ngayon patungkol dito sa… dahil d’yan sa flood-control projects. Bakit ang first order of the day niya ay nakatutok kaagad sa pag-iimbestiga kay VP Sara Duterte?” ‘ika ni Dela Rosa. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita