Nilinaw na ni Kapamilya artist at Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 Big Winner Fyang Smith ang mga haka-haka umano sa “spliced video” na kumalat noon sa pagsasabi niyang walang makatatalo sa PBB: Gen 11.
Ayon inilabas na panayam ni showbiz insider Ogie Alcasid kay Fyang sa kaniyang Youtube noong Miyerkules, Oktubre 8, sinabi ng PBB Gen 11 Big Winner na “spliced video” umano ang nag-viral na video noon kaugnay sa ibinabato sa kaniya ng netizens.
“Tito Ogs, no’ng sinabi ko ‘yon, wala pa pong [PBB] Collab. Happy and super proud ako sa batch namin. Siguro, naging mali lang ‘yong dating no’ng mga tao kasi spliced video siya,” pagsisimula ni Fyang.
Pagpapatuloy pa ni Fyang, sinuportahan pa niya umano noon ang sumunod sa kanilang batch na PBB: Celebrity Collab Edition.
“Kasi sabi ko do’n sa video, ‘kasi batch namin ‘yon, syempre proud ako sa batch namin.’ After naman no’ng sinabi ko na explanation, sinabi ko pa po sa mga tao na ‘guys, support PBB Collab,” ani Fyang.
“Everytime na may raket po ako sa mga out of town, lagi ko pong binabanggit na ‘manood kayo ng PBB Collab kasi mayroon nang bagong PBB,’ lagi ko pong pino-promote,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang loud and proud na ipinangalandakan ni Fyang ang mga ka-batch niya noon na PBB: Gen 11.
MAKI-BALITA: Sigaw ni Fyang Smith: ‘Walang makakatalo sa batch namin!’
Sa isang video clip na kumalat noong Hulyo 5, pabirong sinabi ni Fyang na wala umanong makakatalo sa batch nila dahil sa kanilang pagiging “very genuine” at “very authentic.”
“Alam mo, kahit ilang batch pa 'yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello, Gen 11. [...] De, joke lang,” saad ni Fyang.
Dagdag pa niya, “Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood kaya gano'n ang mga ugali namin. Pagpasensyahan n'yo na.”
Mc Vincent Mirabuna/Balita