Ikinasal na si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa kaniyang boyfriend na si John Odin, na isang DJ at music producer.
Makikita ang mga larawan ng bagong kasal sa Instagram stories ng mag-asawa.
Photo courtesy: John Odin/IG
Photo courtesy: John Odin/IG
Photo courtesy: John Odin/IG
Photo courtesy: John Odin/IG
Batay sa mga ulat, isinagawa ang seremonya ng kasal sa isang beach resort sa La Union, Miyerkules, Oktubre 8, 2025.
Matatandaang sa kaniyang Miss Universe stint, inamin ni Bea na isa siyang "pansexual." Sa katunayan, bago si John, naging maugong ang usap-usapan hinggil sa break-up ng ex-girlfriend niyang si Kate Jagdon, na tumagal din sa loob ng anim na taon.
Tumutukoy ang pagiging pansexual sa romantic, sexual, o emotional attraction sa alinmang uri ng kasarian o kaya naman ay sexual identity.
Noong 2022, sa Valentine's Day celebration, dito na flinex ni Bea ang relasyon nila ni John, habang sila ay nagde-date sa isang hotel sa Maynila.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang post si Bea patungkol sa naganap na kasal.