December 18, 2025

Home BALITA Probinsya

Aftershocks sa Cebu, pumalo na sa mahigit 10,000 – Phivolcs

Aftershocks sa Cebu, pumalo na sa mahigit 10,000 – Phivolcs
Photo courtesy: Philippine Army (FB)

Pumalo na sa 10,006 ang bilang ng naitalang aftershocks sa Cebu nitong Huwebes, Oktubre 9, matapos ang pagyanig ng 6.9 magnitude na lindol sa probinsya kamakailan.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lakas ng mga nasabing aftershocks ay mula magnitude 1.0 hanggang 5.1. 

44 sa mga naitalang aftershocks ang naramdaman ng mga residente. 

Habang inaasahan ang patuloy na pagdating ng mga aftershock sa mga susunod pang linggo at mga buwan, ang mga naitalang lakas ng aftershocks kamakailan ay patuloy mahihina na. 

Probinsya

5 drug suspects, arestado matapos masabatan ng halos ₱2M halaga ng umano’y shabu

Gayunpaman, patuloy na pinagiingat ng ahensya ang mga residente, at inabisuhan na iwasang pumasok sa mga gusaling may sira pa. 

Sa kaugnay na balita, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nito ring Huwebes, umakyat na sa 74 ang naitalang namatay dahil sa lindol.

Nasa 189,620 pamilya o 666,439 ang mga indibidwal na naninirahan sa 251 mga barangay ang bilang ng mga naapektuhan ng lindol sa Central Visayas. 

71, 996 namang kabahayan ang naitalang nasira dahil sa sakuna. 

KAUGNAY NA BALITA: Aftershocks ng lindol sa Cebu, posibleng tumagal pa sa darating na mga linggo, buwan—Phivolcs

KAUGNAY NA BALITA:  Lindol sa Cebu, posibleng mula sa fault na hindi gumalaw nang 400 taon

Sean Antonio/BALITA

Inirerekomendang balita