Hindi napanalunan ang mahigit ₱85 milyon at ₱15 milyong lotto jackpot prizes ngayong Thursday draw, Oktubre 9, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa pagbola ng PCSO, walang nanalo sa ₱85,927,967.00 Super Lotto 6/49 jackpot, dahil walang nakahula sa winning numbers na 22-48-20-36-10-08.
Wala ring nakahula sa winning numbers ng Lotto 6/42 na 23-32-41-27-14-34 kung kaya't walang nakapag-uwi ng ₱15,031,323.80 na jackpot prize.
Dahil dito, asahan na mas lalaki pa ang mga premyo sa naturang mga lotto game.
Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.