December 13, 2025

Home BALITA National

1Sambayan, Trillion Peso, hinihikayat mga Pilipino magputi tuwing Biyernes kontra korapsyon

1Sambayan, Trillion Peso, hinihikayat mga Pilipino magputi tuwing Biyernes kontra korapsyon
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inanunsyo ng 1Sambayan at spokesperson ng Trillion Peso Movement na si Atty. Howard Calleja ang paghihikayat sa lahat ng mga Pilipino na magsuot umano sa puting kasuotan tuwing Biyernes hanggang sumapit ang darating na Nobyembre 30, 2025. 

Ayon sa naging panayam ng True FM kay Calleja nitong Huwebes, Oktubre 9, sinabi ng abogado na magsisimula na umano sa darating na Biyernes, Oktubre 10,  ang noise barrage ng kanilang samahan laban sa korapsyon. 

“Tomorrow, [sisimulan na] ‘yong ating noise barrage [at] ‘yong ating pagsuot ng white. Sisimulan natin ‘yan tomorrow friday and every friday there after,” panimula ni Calleja. 

Isinaad din ng abogado na magsasagawa umano sila ng misa sa EDSA Shrine sa Quezon City, Metro Manila sa darating na Biyernes. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“6:00 o’clock po, may misa po tayo sa EDSA Shrine. Hinihikayat po natin ang lahat ng tao na magsuot ng puti the whole day kahit nasaan kayo,” saad ni Calleja. 

“Kahit nasaan kayo sa Pilipinas, magsuot kayo ng puti. Sa kotse, maglagay tayo ng white ribbon. Sa bahay [at] sa opisina, maglagay tayo ng white ribbon,” pahabol pa niya. 

Pagpapatuloy niya, magsasagawa rin umano sila ng pagkakalembang sa mga kampana ng simbahan sa nasabing araw.

“Mag-noise barrage tayo [sa] 6:00 o’clock. Magkakalembang ‘yong mga churches bells 8:00 o’clock. Antabayanan po natin ‘yon,” pagbabahagi ng Abogado. 

“Pero ‘yong malaki at malawakang demonstrasyon natin ng ating laban sa korapsyon ay ating pinaghahandaan para sa November 30. ‘Yan po ay Bonifacio day. Lahat po ‘yan dito sa Metro Manila, mga cities, at mga provinces all around the Philippines[...]” paglilinaw pa niya. 

Ani Calleja, natitiyak umano nila na milyon ang makikiisa sa planong pagkilos na inanunsyo ng kanilang samahan para magpakita ng pagtaliwas sa korapsyong nangyayari sa bansa.

“Hindi man tayo umabot na trilyong Pilipino kasi 100 million lang ang Pilipino pero tingin ko, milyon-milyon po tayong lalabas every friday para sa noise barrage,” anang abogado. 

“Doon sa November 30 para sa ating malaking protesta laban sa korapsyon at ‘yong hinihingi nating accountability, transparency, at good governance,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: 1Sambayan, Trillion Peso, inaasahan 'konkretong resulta' kay PBBM kontra korapsyon

Mc Vincent Mirabuna/Balita