December 12, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Tutoy loves you so much!' Vice Ganda, nagbigay-pugay sa kaarawan ng ina

'Tutoy loves you so much!' Vice Ganda, nagbigay-pugay sa kaarawan ng ina
Photo courtesy: Vice Ganda (FB)

Ibinuhos ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang ina, si Rosario Viceral, sa pagdiriwang ng kaarawan nito.

Sa isang makulay at puno ng pagmamahal na post sa social media, ibinahagi ni Vice ang kaniyang mensahe para sa tinatawag niyang “mowder.”

Sa caption ng kanyang post, masayang sinabi ni Vice: "Happy birthday to my lovely mowder! Tutoy loves you so much! We all love you zooooo much!!!"

Kasama ng mensahe ang ilang larawan ni Mrs. Viceral, na madalas na ring nakikita sa mga public appearances ng komedyante.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Sa mga larawang ito, kapansin-pansin ang masayang mukha ni Nanay Rosario habang may hawak na bouquet ng flowers. 

Sa isa pang larawan, makikitang kasama sa group pic ang partner na si Ion Perez, kaibigang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto, at "It's Showtime" co-host at anak-anakang si Ryan Bang.

Hindi rin nagpahuli ang mga netizen at fans na bumati kay Nanay Rosario, na itinuring nilang “second mother” dahil sa madalas na pagbanggit ni Vice tungkol sa kanya sa mga palabas at panayam. Umani ng libo-libong likes at komento ang post, na naglalaman ng mga pagbati at papuri para sa pagiging inspirasyon ng mag-ina.

Matatandaang ilang beses nang ikinuwento ni Vice Ganda sa publiko kung gaano kalaki ang ginampanang papel ng kaniyang ina sa kaniyang tagumpay. Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya, nanatiling matatag si Nanay Rosario sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, na isang bagay na madalas ipagpasalamat ni Vice sa mga panayam.

Inirerekomendang balita