December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Pinky Amador sa tindahan ni Ka Tunying: 'Bibili sana ako ng fake news'

Pinky Amador sa tindahan ni Ka Tunying: 'Bibili sana ako ng fake news'
Photo Courtesy: Pinky Amador (FB)

Hindi nagpahuli ang aktres na si Pinky Amador sa pagpapahaging patungkol sa talamak na fake news. 

Sa isang Facebook post kasi noong Martes, Oktubre 7, mapapanood ang video niya na akmang bibili sa isang tindahan na “Ka Tunying” ang pangalan, na pagmamay-ari ni broadcast-journalist Anthony Taberna.

“Bibili sana ako ng fake news,” sabi ni Pinky sabay peace sign. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

'Personal ang pagboto!' Romnick, 'di nag-eendorso sa mga anak ng politikong iboboto

"Meron ba silang YaKulto, ma'am?"

"Madaming stock yan, hindi nauubusan "

"kaya hindi ako bumibili dyan"

"Waaaa lupit"

"HAHAHAHAHAHAHA ang benta! LOL "

"nice, magawa ko nga rin yan."

"Idol dahil dyan LOVEEEEE NA KITA "

"Di nyo man lang muna tinanong kung magkano. Peace"

"Sapul! Hahahahaha"

Matatandaang naging kontrobersiyal si Anthony kamakailan matapos niyang ilabas ang resibo sa umano’y insertion o amendment ni Senador Risa Hontiveros sa 2025 national budget.

Maki-Balita: 'Insertion ni Senator Risa Hontiveros, merong resibo!'—Anthony Taberna

Ngunit iginiit ni Hontiveros na dumaan umano sa tamang proses at aprubado sa Senado ang lahat ng kaniyang iminungkahing amyenda sa budget. 

Maki-Balita: Sen. Risa iginiit na dumaan sa tamang proseso, aprubado sa Senado lahat ng iminungkahing amyenda sa budget

Samantala, ipinaliwanag naman ng dating kongresista at kasalukuyang Pangulo ng Liberal Party (LP) na si Atty. Erin Tañada sa isang social media post ang pagkakaiba ng “insertions” at “amendments.”

Maki-Balita: Tañada, nilinaw pagkakaiba ng 'insertions' at 'amendments'