December 14, 2025

Home BALITA National

Papalo sa higit ₱7B! Mag-asawang Discaya, kinasuhan ng BIR ng tax evasion

Papalo sa higit  ₱7B! Mag-asawang Discaya, kinasuhan ng BIR ng tax evasion
Photo courtesy: via MB

Nagsampa ng mga kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kontrobersyal na mag-asawang kontratista na sina Pacifico “Curlee” Discaya at Cezarah “Sarah” Cruz Discaya, kasama ang isang opisyal ng St. Gérard Construction Gen. Contractor and Development Corporation, dahil sa umano'y hindi nabayarang buwis na umaabot sa halagang ₱7,182,172,532.20.

Ipinahayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang anunsyo tungkol sa kaso sa Maynila nitong Miyerkules, Oktubre 8, 2025. Ayon sa BIR, lumabas sa isinagawang imbestigasyon na bigong bayaran ng mag-asawang Discaya ang kanilang income tax mula taong 2018 hanggang 2021.

Natuklasan din ng ahensya na hindi sila nagsumite ng excise tax returns at hindi rin nagbayad ng excise tax para sa siyam na luxury vehicles na nakarehistro sa kanilang pangalan, batay sa talaan ng Land Transportation Office (LTO).

Sinabi ng BIR na ang pagsasampa ng kaso ay bahagi ng patuloy nitong kampanya laban sa mga malalaking negosyante at indibidwal na umiiwas sa pagbabayad ng tamang buwis, bilang hakbang upang mapalakas ang koleksyon at mapanatili ang patas na sistema ng pagbubuwis sa bansa.

National

DPWH Sec. Dizon, positibong hindi na mauulit mga dating gawi sa ahensya

Nasasangkot ang mga Discaya sa isyu ng umano'y maanomalyang flood control projects na masusing iniimbestigahan na sa kasalukuyan.