December 13, 2025

Home BALITA

Pangilinan sa ICI: 'Please do not test people's patience'

Pangilinan sa ICI: 'Please do not test people's patience'
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB), via MB

Umapela si Senador Kiko Pangilinan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa isinasagawa nitong pagsisiyasat sa likod ng maanomalyang flood control projects.

Sa X post ni Pangilinan nitong Miyerkules, Oktubre 8, nakiusap siya sa komisyon na huwag subukin ang pasensya ng taumbayan sa pagtanggi nilang isapubliko ang imbestigasyon.

Aniya. “Please do not test the people’s patience with this misplaced refusal to open to your proceedings to public scrutiny.”

“You underestimate the brewing anger of the public by ignoring or disregarding this basic constitutional right to information of the people on matters of public concern,” wika ng senador.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Dagdag pa niya, “How do you expect the people to respect and accept your findings when they did not see for themselves the manner in which you arrived at such findings?”

Ito na ang pangalawang beses na nanawagan si Pangilinan sa ICI para buksan sa publiko ang imbestigasyon. 

“I urge the ICI to reconsider this decision. Transparency is fundamental to public accountability," anang senador sa isang social media post noong Setyembre 29.

Maki-balita: Pangilinan, nanawagan sa ICI na isapubliko mga isasagawang pagdinig

Matatandaang nauna nang sinabi ni ICI executive director Brian Keith Hosaka na hindi raw nila isasapubliko ang pagdinig kaugnay sa nasabing isyu upang maiwasan ang “trial by publicity” at anomang impluwensyang pampolitika.

Maki- Balita: 'Ekis sa livestream?' ICI, 'di isasapubliko mga pagdinig sa flood control projects