Isang lalaki ang umano’y pumatay sa kaniyang 77-anyos na ina matapos itong hindi makapaghanda ng hapunan para sa kaniya sa Sitio Riverside, Barangay Macupa, Leyte, Leyte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rick”, 35 taong gulang, na nahuli sa isang hot-pursuit operation sa Barangay Belen, Leyte, Leyte.
Batay sa imbestigasyon, kararating lamang umano ng suspek mula sa trabaho nang magalit ito matapos madiskubreng walang nakahandang pagkain sa kanilang bahay. Binato umano ni Rick ng bato sa ulo ang kaniyang ina na agad nitong ikinamatay.
Natagpuan ng anak ng biktima ang katawan ng kanilang ina at agad ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente.
Ayon sa isang kapitbahay, pinaniniwalaang may karamdaman sa pag-iisip ang suspek.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng mga awtoridad.