December 12, 2025

Home BALITA

DOTr, pinakakansela lisensya ng driver na binundol ang isang estudyante

DOTr, pinakakansela lisensya ng driver na binundol ang isang estudyante
Photo Courtesy: DOTr (FB)

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez na kanselahin ang lisensya ng driver na nambangga sa isang estudyante sa Teresa, Rizal.

Batay sa kumakalat na video na kuha mula sa CCTV, makikitang binangga ng driver ang binatang nakamotorsiklo dahil nagasgasan umano nito ang kaniyang sasakyan.

“‘Yang driver na ‘yan, walang karapatan magmaneho sa kalsada. Sabihin na nating totoo mang nasagi ‘yong kaniyang sasakyan. Tama bang habulin at bundulin mo ‘yong bata?,” saad ni Lopez.

Dagdag pa niya, “No amount of explanation can justify his actions. Mas may edad siya, e. Dapat alam niya kung ano ang tama.”

Bato, masayang nakita ang apo

Ayon sa DOTr, kakausapin ni Lopez ang pamilya at magbibigay din sila ng abogado para makapagsampa ng kaso.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa kapulisan. Nakatakda na rin umano silang maglabas ng show cause order laban sa nanagasang driver.