December 13, 2025

Home BALITA

'Bubuklatin daw confi funds pero flood control nakurakot almost trillion wala na?'―Rudy Baldwin

'Bubuklatin daw confi funds pero flood control nakurakot almost trillion wala na?'―Rudy Baldwin
Photo courtesy: Tony Gonzaga Studio (YT), BALITA FILE PHOTO

Nagbahagi sa publiko ng kaniyang saloobin ang kilalang fortune teller na si Rudy Baldwin kaugnay sa plano umanong buksan ni newly appointed Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang kontrobersyal na confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

“Actually, nandyan naman na sa Ombudsman ang mga report na ‘yan at bubuklatin natin. Pag-aaralan at tatanungin natin ‘yong may mga hawak do’n ngayon at ‘yong may tungkulin na hawakan ‘yong kasong ‘yon bago tayo dumating,” saad ni Remulla sa kaniyang press briefing noong Martes, Oktubre 7, 2025.

Ayon naman sa ibinahaging post ni Baldwin sa kaniyang Facebook account nitong Miyerkules, Oktubre 8, kinuwestiyon niya ang planong unahin umano ni Remulla na imbestigahan ang nasabing confidential funds ni VP Sara.

Ani pa ni Baldwin, sa kabila umano ito ng mahigit trilyong pisong kaugnay ng maanomalyang flood-control projects mula sa ahensya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Bulaklatin daw ang confidential funds pero ang flood control na kurakot na almost trillion wala na?! So alam nyo na sino ang ugat na salot?” saad ni Baldwin sa kaniyang post.

Photo courtesy: Rudy Baldwin (FB)

Photo courtesy: Rudy Baldwin (FB)

Samantala, kinatigan naman ng netizens ang naturang pahayag ni Baldwin. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post: 

“Don't choose sides between these colors. Always stand for the people. . Palibanga daw na silag bulldozer be.”

“We already know who is the mastermind.” 

“Hindi pa nga nag take ng oath nya si vp agad unahin. kaya pla ang lakas ng loob na sya pla ilagay ombudsman. Mag pray lang tayo na ang Kalooban ng Dios ang Manaig... God save the Philippines!” 

“Obvious naman nasa administration Yan, kung matino ka lider susugpuin mo mga pampagulo sa Bansa mo, kaso eh Kaisa naman Ng mga magnanakaw , kaya mga kababayan maging mapagmasid , wag na tayong papaloko.” 

“Tatago n nila ni zaldy kse malaking isda un..bk makanta nya sino tlga totoong kurakot..” 

“Alam na Duterte nanaman ididiin nito!! Jusko people power is waiving talaga!!” 

“Let's go for people power.” 

“Pilit nilang pagtatakpan ang mastermind ng nakawan na pera ng bayan,kaya ililigaw nila ang issue ngayon,at kaya naka pwesto ang magkapatid na remulla sa pwestong makakapag kontra para makulong ang mga kakampi[...]” 

MAKI-BALITA: 'Wala tayong sisinuhin!' Remulla, nilinaw na itututok serbisyo para sa bansa, hindi sa kampo ng politika

Mc Vincent Mirabuna/Balita