December 12, 2025

Home BALITA National

'Bakit first order of the day nakatutok agad kay VP Sara?'―Sen. Bato

'Bakit first order of the day nakatutok agad kay VP Sara?'―Sen. Bato
Photo courtesy: Senator Ronald "Bato" Dela Rosa (FB), BALITA FILE PHOTO

Nagbigay ng pahayag si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay sa plano umanong unang iimbestigahan ni newly appointed Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang tungkol sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte. 

Ayon ito sa nasabi ni Remulla noong Martes, Oktubre 7, sa kaniyang naging press briefing matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa nasabing puwesto. 

“Actually, nandyan naman na sa Ombudsman ang mga report na ‘yan at bubuklatin natin. Pag-aaralan at tatanungin natin ‘yong may mga hawak do’n ngayon at ‘yong may tungkulin na hawakan ‘yong kasong ‘yon bago tayo dumating,” saad ni Remulla. 

Ayon naman sa naging panayam kay Dela Rosa ng True FM nitong Miyerkules, Oktubre 8, sinabi ng senador na pinagtatak’han umano niya ang nasabing plano ni Remulla. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Wala tayong problema d’yan dahil prerogative man ‘yan ng pangulo kung sino ang pipiliin niya among the shortlisted candidates. Pero ang nakikita kong problema, bakit sa dami-daming problema ng Pilipinas ngayon patungkol dito sa… dahil d’yan sa flood-control projects,” saad ni Dela Rosa. 

“Bakit ang first order of the day niya ay nakatutok kaagad sa pag-iimbestiga kay VP Sara Duterte?” pagkukuwestiyon pa niya. 

Pagpapatuloy pa ni Dela Rosa, inirekomenda niya kay Remulla na unahin umano ang anomalya sa flood-control projects. 

“Sa dinami-dami ng problema, bakit ‘yon agad ang tututukan niya ng pansin. ‘Yong 125 million confidential funds[...] bakit hindi niya tutukan iyong flood control projects? Andami nito, dapat dito sa magtututok,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang itinalaga ni PBBM si Remulla bilang bagong Ombudsman noong Oktubre 7, 2025.

MAKI-BALITA: DOJ Sec. Remulla, itinalaga bilang bagong Ombudsman ni PBBM

Ayon ito sa inilabas na pahayag ng Presidential Communication Office (PCO) sa kanilang Facebook. 

Anang PCO, inappoint ni PBBM si Remulla bilang papalit sa natapos na termino ni dating Ombudsman Samuel R. Martires noong Hulyo 2025. 

“President Ferdinand R. Marcos Jr. has appointed Secretary of Justice Jesus Crispin “Boying” Remulla as the new Ombudsman of the Republic of the Philippines, following the completion of the term of Hon. Samuel R. Martires in July,” anang PCO. 

Ayon pa sa nasabing ahensya, ang dekadang pagseserbisyo bilang mambabatas, gobernador, at abogado ni Remulla ang may malaking dahilan kung bakit siya napili para sa nasabing posisyon.

Mc Vincent Mirabuna/Balita