Nagbigay na ng pahayag si “FPJ’s Batang Quiapo” star Jake Cuenca matapos lumutang ang bali-balitang hiwalay na sila ng nobyang si Chie Filomeno.
Sa panayam ng media kay Jake nitong Martes, Oktubre 7, sinabi ni Jake na tapos na umano ang kabanata ng buhay niya na kasama niya si Chie.
Aniya, “I officially say that chapter of my life is over now. To be quite honest with you parang I can at least say that I really love that person deeply.”
“And for me, 'pag mahal mo naman talaga ang isang tao, you wish all the happiness in the world. And you want them to be happy,” dugtong pa ni Jake.
Pero paglilinaw ng aktor, “There was no breakup. Hindi wala na lang. Like, I said I love that person deeply. Hindi wala lang ‘yon. That was incredibly important to me. But that chapter is over now.”
Matatandaang umugong ang bulung-bulungan tungkol sa hiwalayan ng dalawa matapos mapansin ng ilang netizens na hindi na sila naka-follow sa Instagram account ng isa’t isa.
Kaugnay na Balita: Jake Cuena, Chie Filomeno iniintrigang hiwalay na!
Samantala, nauna nang nagsalita si Chie kaugnay sa nasabing isyu sa pamamagitan ng Instagram stories.
Aniya, "I've been reading and hearing a lot these past few days and I ask that my past relationship, my present life, and the Lhuillier family be left out of this issue. They don't deserve to be dragged into something that has nothing to do with them."
Maki-Balita: 'I may be a public figure, but I am not public property!'—Chie Filomeno