December 13, 2025

Home BALITA National

Sey ni De Lima kay DOJ Sec. Remulla sa posibleng posisyon sa Ombudsman: ‘I think may tapang siya’

Sey ni De Lima kay DOJ Sec. Remulla sa posibleng posisyon sa Ombudsman: ‘I think may tapang siya’
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Nagbahagi ng kaniyang opinyon si Mamamayang Liberal (ML) Party-List Rep. Leila de Lima kaugnay sa pagkakasama ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa listahan ng mga pangalang ipinasa ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa susunod na Ombudsman.

Ayon sa naging panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay De Lima nitong Martes, Oktubre 7, 2025, sinabi niyang may “tapang” umanong taglay si Remulla na pasok umano sa “kuwalipikasyon” ng nasabing posisyon.

“I think may tapang siya. Well, kaya nga siguro tinarget siya nang tinarget ng mga pro Duterte forces, hindi siya tinantanan up to the very last minute para lang to block his bid[...] sinundan pa ng disbarment cases,” ani ni De Lima.

Dinepensahan din ni De Lima ang mga naging “pag-atake” umano ng mga pro Duterte kay Remulla nang mabalitaan nilang kasama siya sa listahan ng mga posibleng pumalit bilang bagong Ombudsman.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“I’d like to say na talaga namang walang merit ‘yong mga kaso na ‘yon tungkol nga do’n sa pagpigil sa pagpadala sa ICC ng dating Pangulo [Rodrigo Duterte].”

“Can you imagine, they are saying ‘the former President were kidnapped.’ We cannot be kidnapping [them] because it was a pursuance of a valid warrant arrest issued by the competent tribunal of competent jurisdiction,” ayon pa kay De Lima.

“Some may disagree, para sa akin ay naging harassment lang ‘yong mga cases na ‘yon against Boying Remulla,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy pa ni De Lima, depende na lang umano kay Remulla kung matutupad niya ang kaniyang tungkulin sakaling mapiling bagong Ombudsman ng Pangulo.

“Halimbawa lang na siya talaga ang mapipili, the President as appointing authority can only choose from the shortlist. He cannot go outside of the shortlist that [was] submitted by the JBC [Judicial and Bar Council]. Pito sila. At ang parang masasabi natin na front runner is SOJ Remulla.”

“Sabi ko nga, may tapang si Boying Remulla. Pero it remains to be seen sa kaniyang pagtupad ng kaniyang pagka-Ombudsman,” ‘ika ni De Lima.

Hinamon din ni De Lima si Remulla kung makakayanan umano niyang imbestigahan kahit ang Pangulo kung sakaling masasangkot siya sa anomalya.

“Nangangailangan tayo ng tunay na Ombudsman. Ipakita niya ‘yong independence niya na kahit sino ang dapat kasuhan at kahit nga ‘yong appointing authority mismo na masasangkot ay kaya niya na imbestigahan,” anang ML representative.

“Although of course, the appointing authority (the President) is unimpeachable. Pero nothing confidently, [aside from] office of the Ombudsman or any appropriate investigative body, from investigating an unimpeachable official for purposes of initiating impeachment later at a proper time,” pagtatapos pa ni De Lima.

MAKI-BALITA: Listahan ng pagpipilian ni PBBM sa pagka-Ombudsman, ipinadala na sa Palasyo

MAKI-BALITA: 'Walang sinasanto!' De Lima, nagbigay ng 'dapat' na kuwalipikasyon ng susunod na Ombudsman

Mc Vincent Mirabuna/Balita