December 12, 2025

Home BALITA

Remulla sa pagsasapubliko ng SALN: 'Dapat lang!'

Remulla sa pagsasapubliko ng SALN: 'Dapat lang!'
Photo Courtesy: Boying Remulla (FB)

Nagbigay ng pahayag ang bagong hirang na Ombudsman na si Jesus Crispin “Boying” Remulla kaugnay sa pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sa isinagawang press briefing nitong Martes, Oktubre 7, sinabi ni Remulla na bagama’t nararapat itong gawin, kailangang alalahaning may umiiral na Data Privacy Law.

“Dapat lang,” sabi ni Remulla. “Pero mayro’n tayong Data Privacy Law, mayro’n tayong pag-iingatan. Wala tayong karapatang ma-ta-trample upon. Kaya maglalagay tayo ng guidelines sa pagre-release ng SALN,” saad ni Remulla. 

Dagdag pa niya, “Unang-una, ayaw natin na ‘yong subject ng Data Privacy Law, dapat igalang natin lahat ‘yan. At pangalawa, hindi dapat maging risk ‘yan sa mga tao na ire-release mo ang information. Kasi mamaya, naglahad talaga ng figures ‘yong tao, marami siyang cash, baka naman ma-kidnap.”

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

Matatandaang itinalaga si Remulla sa bago niyang posisyon bilang kapalit ni Ombudsman Samuel R. Martires sa natapos nitong termino noong Hulyo 2025.

Samantala, magsisilbi naman si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Fredderick Vida bilang officer-in-charge sa posisyong binakante ni Remulla sa nasabing ahensya.

Maki-Balita: DOJ Sec. Remulla, itinalaga bilang bagong Ombudsman ni PBBM