Nanalo ng mahigit ₱223.5 milyong Grand Lotto 6/55 jackpot prize ang lone bettor mula sa Quezon City, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Oktubre 7, 2025.
Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lone bettor ang winning numbers na 21-27-51-19-14-53 na binola nila noong Lunes ng gabi, Oktubre 6.
Kaakibat nito ang ₱223,580,197.60 jackpot prize. Nabili ang lotto ticket sa isang lotto outlet sa Brgy. Mariana sa Quezon City.
Para naman sa lotto games ngayong araw, Oktubre 7, papalo ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 ng ₱80,500,000.00, habang ₱49,500,000.00 naman ang premyo sa Ultra Lotto 6/58, at ang jackpot naman ng Lotto 6/42 ay papalo sa ₱12,000,000.00.