December 12, 2025

Home BALITA Politics

'Oo naman, tagal na naming magkasama niyan!' Lapid, satisfied kay Sotto bilang SP

'Oo naman, tagal na naming magkasama niyan!' Lapid, satisfied kay Sotto bilang SP
Photo courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (FB)/MB

Natanong ng media si Sen. Lito Lapid kung satisfied o nasisiyahan ba siya sa leadership ni Senate President Tito Sotto III, nitong Martes, Oktubre 7.

"Oo naman, tagal na naming magkasama niyan mula no'ng 2004, kasama ko na 'yan, siya pang-5th terms na dito sa Senado, ako ay 4th terms na rin ako bilang senador, tuloy-tuloy rin kami sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan at leadership dito sa Senado," sagot ni Lapid.

Sunod namang natanong sa kaniya, ay kung ano ang reaksiyon niya sa pagbibitiw ni Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson, Jr. bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.

"Dapat mag-stay put siya kasi siyempre, kayang-kaya naman niya 'yan eh, ewan ko baka may sakit lang kasi kanina hindi nakapag-preside eh, aniya.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

"Nirerespeto natin kung ano ang mga desisyon niya, pero kailangan siya talaga dahil alam naman natin, straight siya sa imbestigasyon, ex-police 'yan, ex PNP chief," giit pa ni Lapid.