Trending sa X ang trailer ng bagong yugto ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na pinagbibidahan ni Coco Martin.
At mukhang batay sa trailer, magiging bagong love interest ni Tanggol (Coco) si Ponggay na ginagampanan ng bagong pasok na karakter na si Maris Racal, matapos ang matagumpay na "Incognito."
Mula sa nabanggit na action-drama series ay kasama niyang pumasok ang co-star na si Baron Geisler.
Sa maaksyong trailer ng BQ, makikitang may suot na pakpak ng anghel si Maris habang nakasakay sa motorsiklo ni Coco.
In fairness daw may chemistry ang dalawa kahit obviously, malayo ang edad nila sa isa't isa.
Kaya tanong ng mga netizen, mukhang may babaeng "mamamatay" na naman dahil halos lahat ng mga nakatambal ni Coco sa serye ay namatay, kagaya na lamang nina Lovi Poe at Ivana Alawi.
Speaking of namatay, namaalam na rin sa serye si Fatima, ang karakter na ginampanan ni Andrea Brillantes, na natsitsismis namang lilipat na sa GMA Network at magiging newest Kapuso, pero wala pang reaksiyon, tugon, o kumpirmasyon mula sa kaniyang talent manager na si Shirley Kuan.