Nagpasalamat ang komedyanteng si “Ate Gay” matapos ang patuloy na pagliit ng kaniyang bukol sa leeg.
Abot-tainga ang ngiti ng komedyante nang ipakita niya sa kaniyang Instagram post noong Lunes, Oktubre 6, ang kasalukuyang laki ng nasabing bukol.
“Ay o, wala na akong bukol! Kaunting-kaunti na lang, o!” saad ni Ate Gay. “Ay, thank you, Lord! I love you po!”
Iniabot naman ng ilang personalidad ang kanilang kagalakan matapos nilang masaksihan ang pagliit ng bukol ni Ate Gay.
Matatandaang kamakailan ay ibinahagi rin ni Ate Gay ang napansing pagliit ng kaniyang bukol, na kaniya ring ipinagpasalamat.
"Ambilis ng pagliit ng bukol in 3days… 10cm naging 8.5 … maraming salamat po sa inyong lahat na nanalangin ng aking anggarang paggaling.. patuloy lang po…." ani Ate Gay.
KAUGNAY NA BALITA: Bukol sa leeg ni Ate Gay, mabilis ang pagliit: 'In 3 days, 10cm naging 8.5!'-Balita
Binisita rin si Ate Gay ng isang doktor na kaniya pa lang fan, upang kumustahin matapos kumalat ang balita hinggil sa hinaharap niyang sakit.
"Dinalaw ako ng isang doctor…Di daw sya makatulog at pano nya ako tutulungan.. isa daw po sya sa napapatawa ko kaya bilang pasasalamat ay agad nya akong hinanap… Dr.Ramos nagbigay sa akin ng Oras na chikahan kung pano ko malalagpasan Ang sakit ko. maraming salamat po Doc…" ani Ate Gay.
KAUGNAY NA BALITA: Bilang pasasalamat: Ate Gay, dinalaw ng isang doktor na napapatawa niya-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA